Single

META


META
MM13
Producer: K BEATS MANILA
2021

Verse 1 (Neos):
Pundasyon namin nuon ikumpara mo sa ngayon ay malabo paalugin
Lokasyon? Wala yan sa tingin oh sa layo ng narating upang ang mga utak ay palaguin
Sana alam mo rin di na malabo to arukin kahit ilang libong tao ang gusto kang batuhin 
Lahat ng mga paratang nagawa kong saluhin para sa mga pangarap na gusto kong abutin
Mala-ipo iho pag bumanat ano kaya humarang abo 
Biglang kumakalabog nung lumapat ako lahat napatayo kahit ano ang posisyon lahat napabayo
Kumakalat lumalawak lumala pa lumalapa 
Ingat ang lahat pagkat leon naka walana 
Walang umaawat pag kami ang sumagasa grabe sumagad uh hay nako wala na 
Siksikan ang bara na parang bilibid 
Patok to sa masa na parang inipit 
Hindi ka tatama wag mona ipilit
Ikaw ay hahanga kahit na ilihim 
Sa gantong larangan talo ang inipin
Sabik sa pangalan wag mo yon isipin 
Di baling mabagal wag molang itigil
Ulo ng sagabal iyo nang gilitin

Hook (Karisma): 
Sa dulo ng laban ay doon mo malalaman
Kung sino maghihintuan pag di na naiilawan
Sa panahon na dumaan ay aking napatunayan
Yung iba nagsisitigil pag laos na yung pangalan
Nauna lang kayo pero hinddi to nahuli
Wag na wag nyo susukatin dahil di kayo kami
Di titigil sa hangarin mapa araw o gabi
At ang tanging dahilan MM13 nga kasi

Verse 2 (OB3Y):
Para saan bang pagtalunan kung sino sa atin ang tunay
Payo ko lang iyong sinasabi dapat isabuhay
Tatandaan kung gusto liwanag putulin ang sungay
Pati pag galang ng galaw at opinyon para sa mundo na makulay ey
Panalo sa buhay aking koleksyon
Mahirap makuha walang koneksyon
Buti na lang alam ko direksyon
Tuwing mag-isa ay nagrerepleksyon
Nililinis ang isip pati intensyon
Salamat kay erpats sakanyang leksyon
Kay ermats pinapagaan yung tensyon
Malabo man ay hahabulin ko yung perpeksyon
Linawin hangarin nang di mawala
Galawan ng tunay ay gumagawa
Iyo na ang husay puro ka dada
Nakakatawa di nakakamangha
Sikaping gumera nang may mapala
Kasama sa buhay yung pagkadapa
Iwasan matengga focus sa gawa
Iwanan yung nega at tus na dala

Hook (Karisma): 
Sa dulo ng laban ay doon mo malalaman
Kung sino maghihintuan pag di na naiilawan
Sa panahon na dumaan ay aking napatunayan
Yung iba nagsisitigil pag laos na yung pangalan
Nauna lang kayo pero di to nahuli
Wag na wag nyo susukatin dahil di kayo kami
Di titigil sa hangarin mapa araw o gabi
At ang tanging dahilan MM13 nga kasi

Verse 3 (Smiley):
Ito ay paalala, o kalinawan sa matagal niyo ng mga pinagsisigawan 
Mga naiwanan pag dating sa kaalaman 
At kapag usapang husay walang kayang patunayan
Ano bang katibayan? Mga tagahanga ba na hindi pa sapat ang nalalaman 
Daming nauto o bumilib sa kababawan
Mga kabataan na lulong sa kalayaan
Tila nabulagan sa kung ano ba talaga ang dapat nila na paniwalaan
Sa magulang ba nilang lubog sa kahirapan o yung iniidolo na gusto ng tularan
Puro kasikatan' lang kasi ang mahalaga kahit na walang natututunan
Yan ang dahilan ba't tumatak sa karamihan ang imahe niyo na may maling paninindigan
Kaya wag tularan di magandang huwaran dapat talaga na madagukan 
Yung mga nagfefeeling na king pero ang bukambibig ay puro hassle lang pati  halaman
Lason ka sa isip ng mga kabataan
Kabaliktaran ka ng salitang kabutihan
Masamang game nilaganap man 
Meron paring mga tagapagbigay ng kalawakan
Bang

Hook (Karisma): 
Sa dulo ng laban ay doon mo malalaman
Kung sino maghihintuan pag di na naiilawan
Sa panahon na dumaan ay aking napatunayan
Yung iba nagsisitigil pag laos na yung pangalan
Nauna lang kayo pero di to nahuli
Wag na wag nyo susukatin dahil di kayo kami
Di titigil sa hangarin mapa araw o gabi
At ang tanging dahilan MM13 nga kasi



OTHER LYRICS

Catch You (feat. June Marieezy)

11.11.11
Rjay Ty
2011 Album

Between (feat. Young Echo)

Between
Allegra
2019 Single

Butterfly Effect (feat. Sak Maestro)

Strange Weather in Manila
Kensa
2023 Album

27 Bodies

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

Simula ng Katapusan (feat. DJ Nicko)

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

FEATURED ARTICLES