Album

Pasulyap Sulyap


Ala Una
Apekz
2017

Verse 1:

Gusto ko na mapasakin ka

Pero hindi ko naman maamin na

May gusto ako sayo kinakabahan ako

Hindi ko man lang magawang biglang lumapit sa

Isang katulad mo na para bang prinsesa

Ang pera ko lang ay pambili ng Selecta

Sa dami ng manliligaw daig pa sa Ginebra

Tapos yung tatay mo tindi pa ng depensa

So pano na yan ano nang gagawin ko

Baka may syota ka na sa susunod na linggo

Naging piti kotse na dumadaan sa inyo

Eh kung ako yun baka sarahan ng pinto

Kaya nag kulong na lang maghapon sa aking tahanan

Tatanggalin ko na lahat ng yong mga larawan

Gusto ko ng sumuko taas na ang puting bandila

Kaso pag tanggal ng pako ay mayron akong nakita

 

Chorus:

Pasulyap sulyap

Di ko alam kung bakit ba takot mag balak

Dito ko na lang idadaan ang lahat

Alam ko na mali pero mas madali sa sa sa

Pasulyap sulyap

 

Verse 2:

Pawis na pawis na sa kakatayo

Baka makita ako'y nagtago

Palingon lingon kaya hindi maka diretso

Kapag naka lingat sige balik ulit sa pwesto

Eto ba yung tinatawag na pag-ibig

Pag-ibig na nakuwa ko lang sa akin pag titig

Di ko sinasadya hindi ko rin pinilit

Okay lang sa akin kahit na maghapon na naka silip

Makita ko lamang siya

Kahit anong posisyon ay maganda

Kapag ako'y nagsabi at malaman niya

Sa diskarte ko walang aagaw pa

At sana nga

Di niya ito mahalata

Kasi araw araw ko na nga itong ginagawa wala

Akong magagawa kung ako man ay mataya

Ganon na talaga makasalanan ang mata kaya

 

Chorus:

Pasulyap sulyap

Di ko alam kung bakit ba takot mag balak

Dito ko na lang idadaan ang lahat

Alam ko na mali pero mas madali sa sa sa

Pasulyap sulyap

Di ko alam kung bakit ba takot mag balak

Dito ko na lang idadaan ang lahat

Alam ko na mali pero mas madali sa pasulyap sulyap

 

Verse 3:

Dumaan ang mga araw wala pa rin nagbago

Ayos na to kesa naman biglang maglaho

Nakakapagod din pala yung tago nang tago

Pero sa dami ng nakita ko yon masaya na ako

Ang problema parang may mali

Nung huling tingin ko siya'y naka ngiti

Tapos ako'y biglang hindi mapakali

Binulabog ng pintig na nakaka bingi

Ako'y napatabi sa gilid

Simpleng tingin ng tahimik

Bumigat ang hangin ang aking ikanagulat

Nung ika'y lumapit sa akin at ako ay kinausap

Panaginip lamang to maniniwala ba 'ko

Tapos sabi mo sa akin alam mo na ang ginagawa ko meron

Kang binulong naging mulat aking mata pag di

Ako nakatingin sumusulyap ka rin pala

 

Chorus:

Pasulyap sulyap

Di ko alam kung bakit ba takot mag balak

Dito ko na lang idadaan ang lahat

Alam ko na mali pero mas madali sa sa sa

Pasulyap sulyap

Di ko alam kung bakit ba takot mag balak

Dito ko na lang idadaan ang lahat

Alam ko na mali pero mas madali sa pasulyap sulyap



OTHER LYRICS

Forces We Deliver

Forces We Deliver
The Pharm
2012 Single

Rico J

Rotonda EP
Gloc-9
2017 Album

Basagin Ang Katahimikan

The Resumé Mixtape
Santo
2009 Album

Ordinary Guys

Bayani
Blue Scholars
2007 Album

Sunggab

Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah
2013 Album

FEATURED ARTICLES