Album

LSS


Ala Una
Apekz
Producer: Klumcee
2017

Intro:

Mga tol

Mga repa

Ako nga pala si Apekz

Meron akong bagong trip

Sana masakyan niyo

Gusto mong malaman?

Ikaw, gusto mong malaman?

Syempre pwede

 

Verse 1:

Sige lang pwede kong simplehan

Parang magaabot ng kodigo pwede kung simple lang (simple lang)

Simple lang galawang simple lang

Parang yung tropa ko sa gilid sige pare, sindi lang

Makinig ka ang entablado ay sisindihan

Malilibang, parang gwardiya dun sa sinehan

Bawal ang pakupad kupad kailangan mong bilisan

Yung tipong male-late ka na dun sa gimikan

Sapilitan? Wala to sa pilitan

Para hindi mo masabi na ako'y hinog sa pilit lang

Hindi pangkaraniwang Eddie set sa silang

Di mabilang ang tinira ang dali lang gilitan

Balitaktakan? Bali pakpak ng nakipaglaban

Paki taktak ang utak nakisalaksak lang

Pero mali saksakan kung ako'y bagyo'y bali kawayan

Kaya naman ika'y balewala lang

 

Chorus:

Pagdating sa lebel ako'y hindi na iba

Baka sabihin mo pinagtritripan kita

Bibidabida, sapul na nga sila

Sa tulad kong mahilig mag laro sa salita

Laro sa salita

Laro sa salita

Pasensya na ako'y mapaglaro sa salita

Laro sa salita

Laro sa salita

Wag kang magalit kung ako'y mapaglaro sa salita

 

Verse 2:

Wala kang tama, wala kang tama

Di mo alam kung saan tatama

Para bang ligaw na bala

Naguguluhan lang ba o malakas ang tama

Ako solido pag bumwelo malakas ang tama

Tama ang direksyon pero bakit pa kumanan

Pano ka tatama, nagbubulagbulagan

Sa dami ng tama, nagiging tama ang mali ko

Sa dami ng tama daig pasa ni Margarito, sige

Tama na kung tama na

Makakailag ka pa ba kung tatama na

Mag-ingat ka sa sinasabi, makatama ka

Kala mo henyo ka na kung makatama ka

Ang dami kong naranasan na pagbuhat na mahirap

Ang kaya mo lang dalhin ay balakubak sa balikat

Kung marami mang matatamo na sugat sa pagsikat

Pwede kong masabi na ang aking sulat ay agimat

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Dapat lang naman na masanay ka sa eksena

Pag hindi naghasa babalik ka sa eskwela

Mga pyesa hindi tatagal na para bang hinena

Tapos panay mura parang tindahan ni aling Nena

Teka, kapag nalito ihinto, di yung pilit tapos parang lasing to, may sinto

Daming patibong sa daan at liko nang liko

Dineretso ko parang walang sekyu sa pinto

Bumangga, bumunggo walang bitaw sa pagtimon

Panatag na 'ko lalo na ang sasakyan ko ay pison

Mga pussy na hindi kaya na maging leon

Halata naman na may dalawang guhit sa ilong

Habang tumatagal lalong kumakapal ang mukha ko

Hindi na umiimpis parang tsinelas kong Rambo

Kaya kahit san magtago gumilid man o tumabi

Paniguradong tatamaan ng mensahe ko kasi

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Pahinga

Pahinga
Al James
2016 Single

Smoking Stress

Smoking Stress
Ives Presko
2012 Single

Hali Ka Nga (feat. Den Sy Ty)

The Breakout Satirist LP
Calix
2016 Album

Progressive Tax

Party Worker
Bambu
2014 Album

Rent Money (feat. Rocky Rivera)

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

FEATURED ARTICLES