Album

Piyesa Ng Makina


Loob Ng Kabaong
Apoc
Producer: Apoc
2017

Verse 1:

Oras na para lubos mong makilala

Ang ‘yong sarili sa likod ng barikada

Pagka’t gulong ng buhay mo’y  nakahilata’t

Nakagapos sa gitna ng grandiyosong makinarya

Tinatak sa mga bata mag-aral ng maayos

Para makakuha ng trabahong may magandang sahod

Susi ang diploma para makaraos

Walang magandang bukas kapag walang natapos

Ganyan ang mentalidad kaya naman ganado

Maging isang amo sa bangko

O di kaya ahenteng asensado sa kumpanyang magarbo

O kahit saan basta benepisyo ay panalo

Kaso di mo namalayan

Na hindi ikaw ang nagsemento sa kalsadang dadaanan

Lagpas dekada ka nag-aral para lang malaman

Na ika’y hinulma bilang kasangkapan

 

Chorus:

Ikaw ang turnilyo, piston at kadena

Nilalangisan tuwing akinse at atrenta

Sapagkat tayo ay mga piyesa lang ng makina

Tayo ay mga piyesa lang ng makina

Ikaw ang karburador tubo pati balbula

Laspag ka na pero hindi mo pa napuna

Sapagkat tayo ay mga piyesa lang ng makina

Tangina. mga piyesa lang ng makina

 

Verse 2:

Bagong umaga  suot kurbata

Bitbit ang resume namumutla pa

Ika’y umasa hanggang chumamba

Uraurada pumirma sa kontrata

Pangangakuan ka ng rango’t karangalan

Promosyon na hatid, kalakip  kasaganahan

Basta magtrabaho nang mabuti’t magtiyaga lang

Sa pag gapang paakyat ng ilusyon na hagdanan

Kalagayan mo maliit ang halaga

kaya taon taon dagdag sweldo ay barya

Wala kang maipon kasi sweldo mo sapat na

Pang kuryente, pagkain at pang-renta lang talaga

Manipulado ka tanga kaya di ka makaangat

Ang ‘yong dedikasyon balewala lang sa lahat

Sa organisasyon, sinong yumaman nang sagad

Sino pa? Eh di yung mga ulo sapagkat

 

Repeat chorus

Verse 3:

Nagserbisyo hanggang matanda na

Sabay masinisante ng mga namamahala

Parang piyesang kinalawang ang tadhana

Kasi pinagpalit sa mas bata pagka’t pasweldo mas mababa

At dun ka lamang naturuan ng leksyon

Ilang dekada nagtrabaho patungo sa patibong

Nagretiro kasama piranggot lang na pensyon

Walang naipundar kung ‘di altapresyon

Ngayon ang atensyon nasa lungkot ng kabiguan

Panghihinayang na hindi makalimutan

Kung di lang ako nakinig sa dikta ng lipunan

Kung sumugal ako at makina’y tinalikuran

At matutunang dumiskarte mag-isa

Pagka’t walang empleyadong milyonaryo, tangina!

Mga pangarap ko ay nagiba

Ang napatupad ko lang na pangarap ay pangarap ng iba

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Ligaw

Tukalo Mixtape
OSD.
2020 Album

Dalawampu't Dalawang Oo

DU4LI7Y
Ez Mil
2022 Album

Simula

Koronasyon EP
Gnarrate
2016 Album

Massacre

...One Rifle Per Family
Bambu
2012 Album

Puyat (feat. Nicole Anjela)

Heartbreak SZN
Because
2018 Album

FEATURED ARTICLES