Album

Bara Imortal (feat. Kemikal Ali & Denmark)


Loob Ng Kabaong
Apoc
Producer: Apoc
2017

Chorus:

Ito ang tinadha simula nang niluwal

Mga kamay ng oras, pinutol ng imoral

Na paraan gamit mga talatang di normal

May hangganan ang buhay, pero ang bara imortal

Bawat letrang dinura, mananatiling immortal

Bawat rimang sinulat, mananatiling imortal

Mga awiting nilabas, mananatiling imortal

si Arkikteto mananatiling immortal

 

Verse 1 (Apoc):

Pag naglaro ng salita, malamang malaman

Ako ay Pamantayan ng ganyang klaseng kakahayahan

Talento ko diyan ay hindi mapantayan

Sa husay ko sa doble mensahe, dapat pangalan ko anagram

Mayabang lang? Di mo ba napansin

Na dinaig ko si Kristo sa daming napagaling

Sa tutol na iskwating, sa sinigang ihambing

Pagka’t baboy sakin lahat ang mga nagmaasim

Isang sundalo ng larangan na handang paslangin

Mga huwad na makata na may galawang matsing

At sa eksena lahat tayo ay magkakapatid

Pero ako’y si Abel, kayong lahat ay Kain

Mga anak ng pating, Kailanman, di matitinag to

Rima ko habang buhay pang-bukas ng diwa niyo

Kaya kahit ano pa ang ‘yong ibato

Kayo’y pedestrian lane, tatapakan ko lang mga linya niyo

 

Chorus:

Ito ang tinadha simula nang niluwal

Mga kamay ng oras, pinutol ng imoral

Na paraan gamit mga talatang di normal

May hangganan ang buhay, pero ang bara imortal

Bawat letrang dinura, mananatiling immortal

Bawat rimang sinulat, mananatiling imortal

Mga awiting nilabas, mananatiling imortal

Itong si Ali mananatiling imortal

 

Verse 2 (Kemikal Ali):

Imortalidad  tinataglay ng bampira

Sating manunulat yan ay bibihira

Nanghihinang mga sulat tatagal magdamag

Pero yung primera klase matagalan ang palag

Sa pandayan nag babad di lang ang kilay ang sunog

Pinag husayan ang tunog na paglabas ay malusog

At nang di bumulusok pag narinig ang kulog

Kahit dumada-gundong

Tuloy ang pagpa imbuno

Umeere na, mapupuno ka ng lugod

Pag insayuhan mo na rin ng mabilis ang pag lubog

Pero hindi yan mang-yayari kahit na nakatadhana

Sa mga nag hasa ng mic na tulad ng katana

Tama na pagkukunware yan ay mabubuking

Magpanggap ka man banlag eh sumikat kang duling

Kahit pa doble pa ang tingin kung isa lang ang punto

Magwawakas ka agad sa hollow point ko na punlo

 

Chorus:

Ito ang tinadha simula nang niluwal

Mga kamay ng oras, pinutol ng imoral

Na paraan gamit mga talatang di normal

May hangganan ang buhay, pero ang bara imortal

Bawat letrang dinura, mananatiling immortal

Bawat rimang sinulat, mananatiling imortal

Mga awiting nilabas, mananatiling imortal

Denmark!!!! Mananatiling imortal

 

Verse 3 (Denmark):

Pinapatagas ang dugo, tunay na nakaka-uhaw

Paraan yan ng mga bulag upang hindi pumanaw

Pupukaw sa isip ng mga mananalata

Digmaan ng mga letra tayo mananandata

______ bulag alay ng mga halimaw sa bigkasan

Mga dilang biniyayaan na may mortal na kalupitan

Makamandag ang mga bitaw

Ako ang kamlon

Binihag ng demonyo, manugang ng cabron

Tagpasin ang mga magagaling na ulo ng _____

Bugahan mo at habulin sa kamay ko naka baon

Hudyat na alingaw-ngaw sa kabulukan ng mga bulag

Ang pag aaklas ay simulan ay tatapusin walang bilang

Sapat ako magbabakas nagwawalang sigaw

Nang inabuso't niligaw ng isang nagharing hilaw

Walang habag na sasakupin lupa ng mga panggap

Gilitan at paslangin kung san sila nakatapak

 

Chorus:

Ito ang tinadha Simula ng niluwal

Mga kamay ng oras, pinutol ng imoral

Na paraan Gamit mga talatang di normal

May hangganan ang buhay, pero ang bara imortal

Bawat letrang dinura mananatiling immortal

Bawat rimang sinulat,mananatiling imortal

Mga awiting nilabas, mananatiling imortal

Mananatiling imortal



OTHER LYRICS

Alaala (feat. Aia De Leon)

Alaala
Ron Henley
2017 Single

All I Need

Black Sheep
Southeast Cartel
2017 Album

Laglag (feat. Emar Industriya and Calix)

Laglag
Ce$ar Montana
2017 Single

Sirena (feat. Ebe Dancel)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Pilosopo (feat. Smugglaz)

Ultrasound
Loonie
2013 Album

FEATURED ARTICLES