Rap Battle Verses

Smugglaz vs Apekz


FlipTop presents: Bara Ko, Barako
Various Emcees
2011

Round 1 (Smugglaz):

Yeah! Nakanang si Apekz ganda buhok! Ganda lalake mukha kang manok! 

Walang kwentang panimula para sa makasaysayang katapusang

Hinaharap mo sa pagharap mo dito sa harap ko

Mata mo’y ikurap mo, malalasap mo ang masaklap oh

Ang pinakamahirap na bahagi ng pagra-rap mo magaganap ‘to

Na walang entradang malamya lang at espasyong masasayang

Pag pumuwesto na nang parang planadong pakana lang

Kahit sample ko pa nga lang may eksaktong pariralang

Pag umepekto nawala lang siguradong malala lang

Kaya kaibigan kamusta? Bakit mo naibigang matusta?

Sa pag-aapoy ko ang paghahabol mo dito sa career mo sa loob ng liga ay tapos na

In short, this moment isn’t yours kahit lagyan mo ng magandang intro sa laban

Ngayon mo malalamang ako lang ang may alam magpaalam ng kaalamang kasalanang di mo nalaman

Na ang pagiging Apekz mo sa pagiging Smugglaz ko ay lubusan nang nagkalayo sa mga kaya kong hindi mo expected

Kaya wag kang exaggerated

Di porket di ako updated, di ako upgraded

Oo sa liga na to nauna ka saking makilala at makilala sila pero yung sarili mo kilala mo pa ba?

Matagal mo na kong kilala kahit ‘nung di pa kita kilala paalala lang baka maalala mo pa

Na kung sa mg basic freestyle ko pa lang dati ay di sadyang nagugulat ka na

Di ka pa ba kinalabit ng sarili mong anino sa ulo na pano kaya pag sinulat ko pa?

Kaya umunat ka na hangga’t may mga mauunat ka pa

Kasi pag tinanggalan ko na ng koneksyon ang mga buto mo sa utak mo uuwi kang buhat nila

Sa dami ng beses na na-cancel tong battle na to alam kong nakapaghanda ka na ng husto

Pero bago lahat tanungin mo ko ng "balita?" para maging tanda mo na yung "boss" mo

Na magmumulat sayo na walang dulas sa mga pakara mo sa gaspang ko kahit idaan mo pa sa puspusan na pagtulak

Buong ilong ko napapamukha sa mukha mo na nagkamali ka sa pagpili nang makapudpudan ng utak

 

Round 1 (Apekz):

Yo! Honestly namiss ko ang pakikipagbattle kaso ang pagiging funny-dy

Di na daw pwede kasi nagbago ang laro kaya nalaos ang jokes at comedy

Well tingnan natin

Ang pinagkaiba ng punchline namin, nasa kanya ang quantity, nasa ‘kin ang quality

Smugglaz pumayag ka pa ring lumaban kahit alam mong minasaker ko yung ilong ni Andy G

Yo! Tulo na uhog mo tol may sipon ka yata

Gara ng ilong mo parang ilong ng baka

Nagmamalalim, hindi ka magaling porket natalo mo si Damnsa

Matalino kuno pero sa sobrang tanga akala niya si ironman yung nag-imbento ng plantsa

Magpapasko na, alam ko marami kang kwarta

Magpainom ka naman Rudolph alam ko marami ka’ng kupit kay santa

Kaya kong tawagin si Kinton Cloud, ayaw mo maniwala pwede ka sumama

Mas makapangyarihan pa ko sa mahika ni Abra

Kalaban mo ngayon si Son Gohan, sa aking aura mawawala ka

Sa medaling salita ako’y super saiyan, taob ang iyong shakra

Pero si Apekz the best yan, kilalang rapper yan maging sa Gensan

Eh ikaw? Kilalang rubgy boy sa Delpan

Kaya bukod sa ilong mo, wala ka nang maipagmamalaki

Wag kang ssisnghot kasi baka mahigop mo kami

Nagiiba ka ng anyo sa tuwing gagabi

Ang ginagamit mong pangulangot, hinlalaki

Bobong rapper, sa butas ng ilong mo kasya coco lumber

At pag bumahing ka malamang kasing lakas ng lolo thunder

Para sa mga Caviteño

A-ah labo eh, labo pis-eh, dampi ti-eh, pag talo sabihin luto, Dampok Mamo

Hindi ko alam yun pero mukhang nakakainsulto

 

Round 2 (Smugglaz):

Kung anuman ang meron ako sa nakaraan ko, di yun kasiraan

Ang tawag dun partida sa pagiging rapper mo

Kung pano mo marinig sa mga nagru-rugby lang dati

Ang mga di pinangaral ng mga magulang sayo  at teacher mo

Simpleng pang-contest ka lang naman dati, naging pang-latest ka na ngayon

Kung sabagay "Ah-pekz" ka lang naman dati, naging "Ey-pekz" ka na ngayon

Ikaw si Apekz Daldal na sa sobrang payat kala mo yung braso sa balikat hihiwalay na

Chinitong silahis na mukhang mantis na makakita lang ng ipis kala mo mahihimatay na

Pero di kita masisisi kung nakikisakay ka sa uso na kahit wala kang alam dapat na makikisabay ka

Pero sinisigurado ko anumang resulta ng battle na to sa mga sunod kong laban kahit na nanonood ka lang makikiaray ka

Matapos ang ilang buwan mo nang pakikipag-dyakulan sa mga kapwa mo seaman, I'm sure ngayon mayaman ka na

Dati bentilador lang inaayos mo, gulat ako pati elesi ng barko kaya mo na

Masyado kang talentadong tarantado ka

Ang sarap mo na ihulog sa dagat na di pa nasukat hatiin sa apat

Itapon pakalat, ikawit sa angkla’t lunurin ang bawat estilo mong dapat mababad sa alat

Dahil halos hangin na sa katabangan ang karga mo na mga biodegradable skills na naluma na sa recycle bin

Parang mga lumang kanta na ni-revive, ni-reverse, ni-rehearse, ni-remake, ni-remix at ni-retitle din

Kaya kapag ang pagiging literal na animal sa lirikal ko sa gubat na to ang kusang lumabas na sa liblib

Mano mano sa mga kamay ko na mapipigtas lahat ng mga kwerdas mo sa dibdib

Yung mga sinabi mong kaya mo kinaya ko na, pero yung mga mga kaya ko, kaya mo ba?

Excuse me, tanong lang?

Meron ka naman talagang kaya na kaya mo na ang kaso nga lang gaya na ginaya mo pa

Eh sus gi ayun lang

Isa ka lang basag na salamin ng estilo ng lahat ng taga liga na to

Na walang pakialam at alam sa origin ng Hiphop

Magiging panggatong ka sa pangatlong laban ko

Sa pagsuplong ko na ikaw ang Mokujin ng FlipTop

Kaya kung sa 215’ words ni Flict-G, 15 words lang yung malinaw

Sa 15 styles mo naman ditong ninakaw, 200 times akong halimaw

 

Round 2 (Apekz):

Smugglaz, pwede ba magsalita ka nang banayad?

Atras ka ng atras para kang may sayad

Nalaglag ka sa stage, talo ka na kagad!

Alam ko nang kahinaan mo tol, huli ka na boy

Tanda mo na supot ka rin, magpatuli ka na boy

Dati kang rugby boy at magboboteng palaboy

Naiirita talaga kong sa bibig mong parang puki ng baboy

Sige ikaw na ang lamang pagdating sa pabilisan

Pero estilo mong palingkero maghahatid sayo sa libingan

Tinanggal ka sa grupo mo tapos dito ka makikipagsiksikan

Ikapito sa walong sumpa ng Shockra, wow ha! Pero sa FlipTop wala kang bilang

Hahamunin mo pa ko ng palupitan kaibigan

Mas malinaw pa sayong mag-tounge twist si Rochelle Pangilinan

Nakakatuwang pakinggan diba? Ikapito sa walong sumpa

Ano ba talaga yung isinumpa? Siguro yung bagay na nasa gitna ng kanyang mukha

Pinarusahan ng maykapal kasi siya ay masama, ang resulta ay yan, lumaki at namaga

Itutok mo yung camera sa kanya sir matutulala ka

Kilala niyo si Cristy Fermin? Kamukhang kamukha niya

Palibhasa hindi ka tao, bawal ka dito na makisalo baka ikaw ay manibago

Para kang si Makibaong natutong mag-Ilokano

Tinanong ko si Zaito, sabi niya yung pagmumukha mo hindi na niya kayang mai-repair

Sobrang paghahanda mo sa laban natin, pati rebuttals mo naka-prepare

Kaya wag mo ko babanatan nang mala-mini telescope

Ngayon nauso yung horoscope, yung ilong mo parang shotgun na double zero

Pag pinutok yun sabog ang mukha ko, sa sasabihin ko malilinawan lang yung mga tao

Lumipas na ang panahon, mas mahusay na ko sayo gago

Naaalala mo pa ba? Contestant niyo dati to sa Rapratan niyo

Kayo kayo pa mismo ang hurado

Tapos tatalunin lang kita ngayon, di ba malaking sampal sa mukha mo Ronaldo

 

Round 3 (Smugglaz):

Pati feelings ko pino-problema mo pa

Di ka pa ba kuntento na yung karakterismo mo sa labanang ganito binagayan ko?

Sa dami ng kaya at pwede ko’ng sabihin na sabihin na sabihin na sabihin kukulangin pag binagalan ko

Sa ilong mo lang ako pwedeng tamaan pero di ang puruhan, tandaan mong masagot to

Kung tingin mo ngayon ang lahat ng mga naabot ko’y naabot mo? Dalawang mga mata mo pagamot mo

Dahil hindi ka pwedeng maging Smugglaz kahit pa lahat ng mga taga-Tondo’y pumabor sayo bigla

Dahil kahit pa na parehas at iisa lang tayo nang ginagalawan na mundo ay may ekwador tayo sa gitna

Kaya kung pinipilit mo ko’ng sugatan sa mga wack rhyme mo at punchline, parang pinilit mo na ding magka-FB sa Friendster

Dahil ang etiketa ng mentalidad ko’y mala-Tech N9ne na Einstein habang sayo’y laboratory ni Dexter

Pero huwag kang mawalan ng pag-asa, ang buhay may umaga, hindi lang yan forever na gabi

Dahil kahit na matalo kita pag-uwi mo sa mga kapamilya mo, panalo ka pa rin tol, breadwinner ka kasi

Ang pagtutunog hambog ko ay banal na parang tubig kanal na benditado ng dasal ng isang exorcist priest

Brutalidad na pormal na sagad manakmal sa mga mapagpagal mangalkal na ilang mga ma-showbiz diss

Katulad mo na sa likod ng pagiging bantog na astiging modernong manunulat at manunula

Ay isa ka din pala’ng pasikretong baklitang pabibong may dilang chismoso na mamumurat at manunupa

Kaya babalasahin kita ng bongga, barumbadong bading ka na mang

Hambog hanggang sa buong bansa ko na mabulgar na isang alienic ka na third sex

Para makapagbawas na ng bilang nga mga bobong balagbag, pabalugbog pabalibag kita na pababalikin sa planet of the Apekz

Anak ka ng nabanggang driver ng nag-banking na FX

Makaiwas lang sa nanay mong nakitang nagpa-planking lang sa NLEX

Ikaw ang barakong bersyon ni Cynthia Luster na mukha’ng nangangarate pag nagulat

Singkit na binatang desperadong makaguhit ng pangalan na may maarteng pagkasulat

Kaya para kay Shehyee, excuse me hindi kita kaaway

Pero tatanggalan kita ang titulo bilang bitch ni Abra kasi nandito na ngayon yung tunay

 

Round 3 (Apekz):

Yo! Wala akong alam sa mga slang na salita pero alam ko pag killer, killa

Pag nigger, nigga, pag gangster, gangsta, pag smuggler, smuggla

Bakit Smugglaz? Galing ha, di ka ba nag-iisip?

Ilan ka ba? Isa ka lang diba? Ano yun trip? Fucking Shrek!

Yun na yung punchline

Di mo pa ba napansin na sa itsura mo ibinase yung handsign ng Blind Ryhme?

Binibilisan mo na lang kasi yung pagsasalita kasi wala kang mabigat na ma-say

Boses mo parang gay, Allan K

Ang malas mo Smugglaz sakin ka natapat

Dila mo ma’y matalas, hindi rin sasapat

Sabihin mo na lahat, may clue mo ako’y payat

Yung ilong ni Harlem patag, kay Andy G. nakadapa, sayo naman naka-angat

Tatalaban ka ng mga linya ko kasi hindi ka protektado

Pag nagkabotohan ng mga magagaling dito hindi ka nominado

Tataubin ko lang tong batang Tondo na to, pustahan pati pato

Ipapahuli lang kita at ipapapatay Bonifacio, tawagin niyo kong si Emilio Aguinaldo

Para malaman talaga ng tao na ang estilo mo ay hilaw

Gagayahin kita Smugg, oo, kunyari ako ikaw

Yo! Ako si Smugglaz, ang bata na walang silbi dito sa mundo

Ang utak ko ay parang monggo, ako ay rugby boy sa Tondo

Sa mga salita na wala naman talagang kabuluhan,

Hindi niyo ba matunugan na hindi talaga ako pupwedeng lumaban sa durugan?

At meron akong ilong na pag umatake ng sipon ay akala niyo umuulan

Magulo ba? Akala niyo siguro kasi nawawala na rin ako sa sarili kong katinuan

Kayo ba’y natitindihan? Di niyo alam na binibilisan ko lang

Kaya kala mo malakas ka? Ikaw yung nagsasalita sa radyo ng "bangon na, bangon na, bangon na, bangon na"

At pag nakikipagsex ka sinasabi mo" lalabas na, lalabas na, lalabas na, lalabas na"

Yo! Una, sipsip ka kay Gab tapos kay Denmark tapos ngayon naman kay Franchize? Dahil diyan lagot

Pinagrecord ka lang naman ni Archie dahil meron kang bunganga na parang pwet ng manok



OTHER LYRICS

Mundo

Mundo
Migo Senires x Marc Mamuric
2014 Single

Modus Vivendi (feat. Kensa)

Bad Burn
FOSSILS
2017 Album

Eastbound

No Saints Under Palm Shade
MANILA GREY
2017 Album

Signing Off

Sharpest Tool In The Shed
Bambu
2020 Album

Last Straw

Ordinary Lives
Rayneman
2018 Album

FEATURED ARTICLES