Album

TRPKNNMN (feat. Agsunta)


Rotonda EP
Gloc-9
2017

Verse 1:

Pagod sa trabaho, makulit na amo

Wala pang sweldo baon ko di aabot paano

Ko pagkakasyahin pengeng malupit na plano

Sahod na parang nakahingi ka ng balato

Disgrasya demo-demokrasya

Dito sa bayan na karangyaa’y madalas na pinapantasya

Lumang sapatos na pilit mong pinapagkasya

Pangarap na di mo mapaliit ang distansya

Na maabot, oy alas singko na pala

Makabyahe na para di makasabay ang iba

Sa kalsada na palagi na lamang halabira

Mga maling sulat ng lapis pero di mo mabura

Gano na ba kahaba ang pila sa LRT

Sana nama’y di na tumirik ang MRT

Ingat baka madukutan ka pa ng Iphone 3

Ito ang ‘sang dinadaing araw man o gabi

 

Chorus:

Gusto ko nang umuwi

Gusto ko nang umuwi

Araw araw na lang ganito mula sa Monumento

Lalo hanggang sa Quiapo

Crossing ilalim, ibabaw nasan ka na raw

Nasa Cubao nilalangaw

Gusto ko nang umuwi

Gusto ko nang umuwi

Kaso trapik na naman

 

Verse 2:

Paulit-ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit

Na inuukit ukit ukit ukit ukit ukit

Sa kukote na patuloy ata na kumikitid

Tinitila may silbi pa ang sinulid kaysa sa lubid

Mga bibig na burara, mga kamay na bastos

Sa sasakyang may kamao at may pangalan ng Diyos

Ayaw ayusin ang sira, sisirain ang ayos

Sila na nakaparada sa mga daan na kapos

Tapos bawal magsakay, bawal magbaba

Lahat ng bawal ginawa ang kapal ng mukha

Dito po tayo tumawid pero nasa kabila

Tapos nagtataka bakit di umuunlad ang bansa

Hanggang baba ng pila ng tao sa LRT

Lahat kasi tumirik na naman na MRT

May napatay na holdaper dahil sa Iphone 3

Ano ang lagi mong daing araw man o gabi

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Specialize

Specialize
MANILA GREY
2018 Single

taga/masid

SA/LIRIKO EP
GL
2022 Album

You Girl

Nothing, Really Mixtape
Ice Rocks
2012 Album

Anytime

Anytime
YB Neet
2023 Single

Broken

Dreams
Michael Pacquiao
2020 Album

FEATURED ARTICLES