Single

Batang Nueve


Batang Nueve
Karisma
Producer: K BEATS MANILA
2022

Chorus:
Tumabe ka na pre di ka dito pwede
Alam mo namang mahusay mga batang nueve
May sipag at diskarte bawat residente
Pagaling nang pagaling aba aba syempre

Verse 1:
Kakayod muna bago maghapunan
Wala ng oras para magpakabatugan
Daming natutunan, utak ang puhunan
Alam ko naman na tagumpay aking hantungan
Mga sugat nagpamulat nalaman ang totoo
Inaral ko at napuyat ‘di nyo maloloko to
Mga plano nabuo, gagawin ko ang gusto 
Kilala na mga tunay, mga peke nabuko
Laki sa lugar na maraming mabangis
Rekta lang sa top at di na ko lilihis
Andaming marites, pero di maiinis
Kung ayaw nyo sa amin pwede kayong umalis

Chorus:
Tumabe ka na pre di ka dito pwede
Alam mo namang mahusay mga batang nueve
May sipag at diskarte bawat residente
Pagaling nang pagaling aba aba syempre
Tumabe ka na pre di ka dito pwede
Alam mo namang mahusay mga batang nueve
May sipag at diskarte bawat residente
Pagaling nang pagaling aba aba syempre

Verse 2:
Kahit na malayo, basta di malabo
Lalakbayin ko anuman ang dako
Di mananatili sa baba yan ang aking pangako
Kahit may ganid na sakin bumabalakid 
Wala tong bahid ng galit ako’y nangarap uh
Sa diskarte naadik at kukuhain ko matic 
Ang mga tala sa langit hanggang mayakap uh
Salamat mga tropa, salamat mga kuya
Gugulatin natin lahat ng mga nagduda
Di ako titigil ‘gang pangarap ay makuha
Lahat ng itinanim siguradong magbubunga

Chorus:
Tumabe ka na pre di ka dito pwede
Alam mo namang mahusay mga batang nueve
May sipag at diskarte bawat residente
Pagaling nang pagaling aba aba syempre
Tumabe ka na pre di ka dito pwede
Alam mo namang mahusay mga batang nueve
May sipag at diskarte bawat residente
Pagaling nang pagaling aba aba syempre



OTHER LYRICS

+63-Shoot-A-Cop (feat. Run Deliks & switchbitch)

KOIGIRL
FEIFEI
2021 Album

Still (Yorko)

Excelsior
Yorko
2020 Album

No Drugs In Heaven

Tell'em Once
Kartell'em
2018 Album

Pagsusuma (feat. BLKD)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

Stuck In Your Ways

Yours Truly
Kris Delano
2024 Album

FEATURED ARTICLES