Album

Demo Tape (Interlude)


Diploma
Gloc-9
2007

Isang araw papunta ako sa bahay ng aking tropa

Kasi sabi nya tol heto na meron nakong nakuha na drum machine

Para marecord na natin ang rap mo

Tara na bilisan mo bago pa dumating ermat at erpat ko

Sige bumili ka ng blank tape magbaon ka ng hotcake

Wag ka nang magdoorbell di naman nakalock ang aming front gate

Lumipas ang ilang oras at sa wakas

Ay limang kanta ang aming natapos agad akong

Umuwi samin nagbihis at isinoot ang sapatos na luma't mabaho

Ay pudpod ang swelas pa aalis nako nay sige mag ingat ka

Sumakay ako ng jeep ako'y inantok at agad akong napapikit

Isang oras ang dumaan di ako nainip eto nga pong bayad

Dyan na lamang ako sa tabi o sige na dali

Ako'y bumaba sa Cubao fishball na medyo hilaw

Ang tanghalian ko wow

Sana ay di maligaw dahil eksakto lang ang dala kong pamasahe

Di pako sumusweldo at di pa rin nakabale

Sa amo ko na masungit

Amo ko na kuripot

Amo ko na walang alam gawin kungdi umikot at maghanap ng mali

Na ginawa ng kanyang mga tauhan

Ang sarap mong sampalin at ang sarap mong batukan hops

Mabalik tayo sa Cubao matapos ang tanghalian kong fishball na hilaw hoy

Parang kulang yatang pera na yong inabot

Natapunan pa ng toyong polo kong suot

Pasensya na ok lang pero nakasimangot

Binigyan na lamang ako ng dalawang balot

Tapos naglakad ako papunta sa lugar na kung saan

Ay nandoon ang record label na susubukang mapasok at maibigay

Ang demo tape ko na ito malapit na ako

Andito na ako

Papasok na ako

Kinakabahan ako pero eto talaga ang gusto kong gawin

Ang maging rap star na parang rock star

Magandang sports car kaso lang may guard

Saan ka pupunta? Meron po akong demo tape na dala

Pero alam ba nila teka sino ka tumawag ka na ba

Iniintay ka ba pano yan di pala?



OTHER LYRICS

NothingElse vs Abra

FlipTop presents: Ahon
Various Emcees
2010 Rap Battle Verses

Blue Light

INVERSE
RBTO
2012 Album

Red Planet

Flight School Era
Just Hush
2018 Album

Amatsuka

Tracks And Field Mixtape
Row 4
2017 Album

Section Y

Section Y
NPS Music
2024 Single

FEATURED ARTICLES