Album

Torpedo (feat. JP Cuison)


Diploma
Gloc-9
2007

Intro:

Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita

 

Verse 1:

Tandang tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo

Una kang nasilayan nang lumipat ka saming baryo

Nilapitan ka't kinausap at tayo'y naging magkaibigan

Lagi mong kakwentuhan sa umagahan na ating tambayan

Di ko alam kung bakit damdamin sadyang napalapit

Gustuhin ko mang sabihin ako'y kaibigang matalik

Ng lalake na sayo'y gabi-gabi ang panliligaw

Ika'y sakin nagtanong at para bang nagpahapyaw

Na ako ang siyang nakakaalam kung ano ang mas tama

Kung oo o hindi at kung saan ka liligaya

At sinabi ko ang taong yan ay mapagkakatiwalaan

Di ka sakin sumagot nabalitaan ko na lang

 

Chorus:

Wag mo na akong pilitin

Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi

Walang dapat ipagtaka

Ako ay pinanganak na torpe

Sa ayaw at hindi

 

Verse 2:

Lumipas ang 10 taon nasa Maynila ka na raw

Hindi kayo nagkatuluyan may trabahong di sa araw

At kinukulayan ang mga labi mo sa gabi

Upang takpan ang iyong lungkot at ang luha sa iyong ngiti

Ako'y nagsisi, kung alam ko lang di sana'y noon pa

Hindi ko na pinagpaliban ang aking nadarama

Kung bibigyan lang ako ng isa pang pagkakataon

Ibabalik ko kung ano man ang mayroon tayo noon

Isisigaw nang malakas, hindi ko na ibubulong

Damdamin ko para sayo dalangin sana'y may tugon

Na ang noon ay mahawakan at makasama ngayon

Hanggang bukas at sa marami pang susunod na taon

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Isang gabi habang ako'y nakaupo sa harapan

Ng aming bahay at tila ba nakatulala sa buwan

Ay may isang babae na sakin lumapit at nagsalita

Hindi makapagsalita, ako'y napatulala

Lubos ang aking ligaya hindi makapaniwala

Siguro'y panahon na upang kami ay magkasama

Hinawakan ko ang kanyang malambot na palad

Singsing na may bato ang sa akin ay tumambad

Ikaw pala'y ikakasal at sa akin ay magpapaalam

Di na nakuhang sabihin at sayo'y ipaalam

Ang tunay kong nadarama bakit parang alam mo na

Sa pagtalikod ay may tumulong luha sayong mata

 

Repeat chorus

 

Outro:

Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita (2x)



OTHER LYRICS

Spittin' Bars (feat. Copywrite)

Bawal Sa Tanga
Teknika Brutal
2012 Album

Nginiiig (feat. Gloc-9)

Top Rated TV Theme Hits
Various Artists
2004 Album

Feminine Aura

Au Naturel EP
DB x Kessiah Bravo
2017 Album

Agawon

Agawon
CLR x Denial RC x Deadkey
2018 Single

DEXTER'S TRAP

Nightmare On 66
Bawal Clan
2019 Album

FEATURED ARTICLES