 
													Verse 1:
Damit mo'y lukot na
Napahigpit siguro yakap niya sayo bago ka dito pumunta
Teka parang peke iyong tawa, hindi makubling malungkot ka
Naka ilang ulit ka na ba nagpalit ng iyong punda?
Nangangalumata
Ilang magandang tanim na ba
Ang nalagay sa kanya?
Ngayon nasan na sila?
Merong mga nagtagal pero kalaunan ay nangamatay, nalanta
Totoo ika'y maganda
Pero di ibig sabihin ikaw ay palamuti lang
Bat di mo pigilan ang sarili mo na magtiis masaktan para sa sayang panandalian?
Puso mo'y tila nabalot na ng andap
Pero pagyapos mo sakin ay tunaw na agad
Nagtanim sayong puso ng isang bulaklak
Nandito ka pa sana hanggang ito na ay mamukadkad
Hook (2x):
Sakin mo nalang itanim ang
Puso mo at wag nang pitasin pa
Ng iba kahit na hindi sigurado kung gusto ka ba nila
Verse 2:
Damit mo'y lukot na
Pasensya kung napahigpit ang yakap ko sayo bago ka sa kanya pumunta
Kung maaari nga, dito ka lagi at
Nang makita niyang nilulubog niya dati umaani na ngayon
Totoong mas maganda ka kung
Pagmamasdan kasama niya kaya lang
Pag nagkataon
Walang ganda't parang natuyot ka naubos ang talulot sa lapag ka mapupulot dahil ika'y patapon
Bumagsak ka man ay handang saluhin at alagaan
Kahit ako'y lupa na laging inaapakan
Kasabay ng pagpatak ng iyong luha ay ang pag iyak ng ulap
Lalo kang itatayo't aalalayan
Ubos na ang lahat wala nang natira sayo
Durog mong puso inakala mo na siya ang bubuo
Lagas na ang lahat, naiwan kang humihikbi
Walang kasiguraduhan kung mahal ka niya o hindi
Repeat hook
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																				 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																			 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																											