Rap Battle Verses

Plazma vs KJap (Plazma's Rounds)


FlipTop presents: Grain Assault 7
Various Emcees
2016

Verse 1:

Ngayon nandito na ako sa Isabuhay, sino ang aking unang ikakahon?

Sabi ni aric si Kjap daw, sino yung gago na yun?

Tangina Kjap? Ano ka, kalahating Koreano kalahating Hapon?

O baka naman idol nya si Kjah at kamukha nya si Jhapormz?

Wag mo mamaliitin ang kalaban mo boy, parating may pumapanaw pag ako'y bumibitaw ng verse

Oo nabigo ako nung ahon pero ngayon ako'y well-rehearsed

Sa karir ng rookie na to, ako magbibigay ng direksyon

Makakatanggap itong up-and-comer ng left jab at right hook hanggang sa maging down to earth!

At sa tuwing sumisigaw ka ng bars sa battle, nagmumukha kang mang-mang

Isa ka lang naman jologs na dahil sa pisonet nagdagdagan ng konting kaalaman!

Higit isang dekada na akong lumalaban, yan ang dapat mong tandaan

Gumagamit na ako ng wordplay at references nung taga hanga ka palang!

Gusto mo ng bars? Siguradong barado ka sa barbarian!

Hitman na may bar code sa ulo, batikan kahit sa barilan

Ito ang binyag mo! Tawagin mo tong bar mitzvah

Pag ako naghanda sigurado mainit, parang barista

Tumba ang kompetisyon, isama mo pa ang iyong barkada

Yung mga bangkay nyo aking ipagpapataong patong at gagamiting barikada!

Sabay itatapon sa aking bartolina, kabilang iba pang nagpapanggap na barako

Bangkang papel ka lang gago, ako barko!

Ganyan rin sya bumanat, tapos lalagyan nya ng purong English kahit tunog bulol

Kaya nung 2 nyang laban, walang linyang sapul, nagchoke nalang si ulol

Bat di mo nalang ako gayahin? Unpredictable ang stratehiya

May halong laughtrip at mga katagang mapaminsala... kaya yun, habulin na ng mga kolehiyala

Chainsaw sa paa para di ka na makaabante pa

Nagsisimula ka palang pero ika'y arogante na

Kaya sa mga tulad mong baguhan, ako'y mananatiling walang hiya

Imbis na ipasa ang torch, susunugin nalang kita!

 

Round 2:

Nung laban nyo ni Invictus, kakaiba ang iyong diskarte

Dun sa intro mo, mas inuna mo pang binati yung mga poging lalake

Tapos nung round 2 at 3 nag-angas ka, umastang kontra bida

Pero nung round 1 habang nagrarap yung kalaban bigla kang naglabas ng dila

Respeto na rin sayo tsong, dahil sa harap sa madla

Pinakita mo na kahit gangster pwede rin maging bakla!

Pano pag may away tsong? syempre dapat todo porma

Bago makipagsuntukan puta magpapa manicure muna

At pag lumaki na yung gulo, kumpleto ang kanyang kargada

Ilalabas nya ang kanyang pink na baril tapos suot ng pink na bandana

Wag mo nang ikahiya pa! Ayaw mo nun? Ikaw ang unang beki na OG

Siguro nung bata ka pa akala mo gang yung LGBT!

Balik tyo sa seryosong usapan...

Standing mo 0-2, laglag ka sa Debate at sa Aspakan!

At dun sa 2 engkwentro, si Tipsy D yung hurado at yung mga bitaw mo, di nya naunawaan

2 beses ka nyang hindi binoto, dun lumabas ang masakit na katotohanan

Na di ka pa ready maging next na Tipsy parang bata sa inuman!

Pero putak pa rin sya ng putak sa fb! Kala nya pa rin ang lupet nya

Di bale, dahil naka tutok na sa alas dose ang kanyang death clock

Matagal ka nang nasa sniper scope ko, ngayon na ako rerekta

Ang bilis lumaki ng ulo mo pero ok lang, mas madaling i-headshot

At kung sinasamba ka sa lugar mo, dito mananatili kang musmos sa rango

Ako si John Lloyd sa Honor Thy Father, wala akong sinasantong diyos sa Baguio!

Taga Norte ka dati, pero sa timog ka didiretso!

Pero hindi sa quezon city, dadalin kita sa impyerno!

Dahil yang stilo mo ay corny na, di na nakakasabay sa rap

Tapos yung flow mo ang boring pa, halatang sanay sa wack

Mga linya ko'y katumbas ng bomba brad, tiyak patay lahat

Tawagin nyo tong Hiroshima, pag ako nagpasabog siguradong patay ang Jap!

 

Round 3:

Nung na-meet ko syota mo, di ko hiningi yung number, diniretso ko sa Sogo

Sa sobrang hardcore ng eksena sa kama kulang nalang Brazzers na logo

Sigaw sya ng sigaw nung sinisibak ko sya, ganun ako katindi bumayo

Para akong si Kobe nung gabing yun, inis na inis sya nung umalis na ako

At napakinggan ko mga kanta mo, syempre di ko natripan

Yung english mo tangina ayusin mo naman!

Dun sa awit mong "Familiaris" kakabobohan ang iyong nirepresent

Imbis na democrat, sinabi mo democrit para lang magrhyme sa for the hell of it

At sa sunod na bara alam nyo kung bakit ako lalong nainis?

Imbis na "peace", sinabi mo "pess" tapos tinugma sa miss

Nag tagalong ka nalang sanang hayop ka, baka di ka pa na-hassle

Tandaan mo, di porket wordplay ay pwede mo na rin paglaruan ang vowels

Bakit ka nga ba nag english ha? Para mag mukhang conyo na rapper

Baka pag pumunta ka sa mga bar sa makati may tumawag sayong chicks... tapos magoorder!

Yung boses mo pa ang hina, para ka lang bumubulong

Yung mga kanta mo tungkol sa pagiging siga, pero nagtunog love song

Sablay ka na nga sa pagbigkas, tapos sa projection wala ka ring ability

Isa kang driver ng karo ng patay walang buhay ang iyong delivery!

Ikaw lang natutuwa pag gumagawa ng kanta, para kang nagmamasturbate

Pag may bago kang akda, asahan mong makikita mo ako na may dalang AK

Sa loob ing ilang minuto yung buong studio magiging firing range!

Mababaril ka habang nagrerecording parang si Jam Master Jay!

Kredibilidad mo'y kwentong barbero, pagkatapos mong paulanin ng bala ika'y masaksak

Anumang nabuo mo sa kwaderno sigurado sakin ay wasak

Sunod-sunod ang pagkatalo mo sa dwelo, yung performance mo ang saklap

kaya pano mong magiging ka-lebel ang Maestro, kung sa klase lagi kang bumabagsak

Dapat di ka nalang nagrap, panira ka lang sa liga

Balik ka nalang sa pagcocomment ng first tuwing may bagong upload si Anygma

At sinong manok nyo? Si Smugglaz, Tipsy, at Loonie? Taob sila lahat ngayong taon

Parang kakaupo palang ni Satanas sa trono, taga underground ang magkakampeon!



Various Emcees - FlipTop presents: Grain Assault 7 (2016):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

ggbb

KOIGIRL
FEIFEI
2021 Album

R.I.P. (Rot In Pain)

Aether EP
DB
2018 Album

Patilawa Ko Dai

Patilawa Ko Dai
RKteQ
2018 Single

questioning answers / answering questions

questioning answers / answering questions
rhxanders
2018 Album

Dream Delorean

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

FEATURED ARTICLES