General

Won Minutes Mindanao

Hindi lang Pakusganay ang maaasahan ng Davao ngayong weekend. Nandito rin ang pagbabalik ng Won Minutes!

Anonymous Staff
May 30, 2023


Nagkaroon ng dalawang Won Minutes na event sa Davao nung 2019. Marami ang nag-abang ng panibagong kabanata nung 2020 kaso alam na natin yung nangyari nun. Natigil ang mga plano ng liga dahil sa COVID. Kung sakaling hindi ka pa pamilyar sa konsepto ng Won Minutes, ito ay ang pagbalik sa striktong isang minutong rounds sa battle. Nagsimula ito sa Metro Manila nung Marso 22, 2019. Dito nagpapakitang-gilas ang mga bagong emcees ng liga. May ilang events din kung saan sumali ang mga beterano na nanggaling sa matagal na pahinga.

Pagkatapos ng tatlong taon, magkakaroon na ulit ng Won Minutes sa Mindanao! Gaganapin ito sa Hunyo 2, 2023, isang gabi bago ng Pakusganay 7. Ang venue ay sa Calle Cinco sa BauHaus Bldg, Surveyor St, Dona Vicente Village, Bajada, Davao City. Malapit ito sa Chowking. 100 pesos lang ang entrance at magsisimula ng alas syete ng gabi.

Pitong battle ang masasaksihan niyo dito at may mga kasali mula Davao, Mati, Gensan, Zamboanga, Cagayan de Oro, Kidapawan, at Cotabato. Huwag niyo tutulugan ang mga ‘to dahil siguradong marami sa kanila ang tatawagin niyo ding idolo balang araw. Tandaan niyo na lahat ng mga bigatin ngayon sa eksena ay nagsimula  rin na hindi kilala ng madla. Meron pang open mic sa gabing ‘to kaya kung hindi ka nakasali sa lineup pero gusto mo magpamalas ng talento, pagkakataon mo ‘to!

WATCH: Won Minutes (Davao) | Won Minutes (Davao) 2

Handa na ba kayo sa solidong hip-hop weekend, Mindanao? Magkita-kita nalang tayo sa Hunyo 2 at 3! Bumawi tayo sa mga taon na kinuha sa atin ng pandemya. Mag-enjoy lang tayo at patuloy nating suportahan ang atin lokal na eksena. Mag-ingay!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT