Album

Executive Order


The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
Producer: Serena DC
2017

Verse 1:

Aminin mo na lang kase na katulad ka nila

Di mo naman kase siniseryoso ang upuang

Kinalalagyan mo ngayon, hindi pulidong aksyon

Isa ka rin sa pulitikong walang ginawa o ningas kugon

Mga pagbabagong pinangako lang sa hangin

Dumadaming duguan, walang pagmalasakit

Sa hirap ng buhay, ba't mo sa amin sinisisi

Yung naka-upo, hindi mo manlang ba kikilatisin?

Gutom na lahat, pero droga parin ang problema, talaga?

Gutom na lahat, ang solusyong dinala puro "putang ina ka"

"Atin ito," iyan yung sigaw mo sa madlang tao pero tang ina mo

Libo-libong sakiripisyo sa giyerang alam mong hindi naman epektibo

Inuna mo pa yung corrupt mong kaibigan, bakit nakalaya si Gloria Arroyo?

Kapulisang pumatay, sayo ay protektado

Bat di mo mabigyan yung mga nagugutom?

Pano yung mga ulila dahil dyan sa giyera mo? (Wala)

May balita na ba na inako sila ng gobyerno? (Wala)

Bakit ba, kala nila ikaw ang sasalba?

Sa bansang napiprito, bansang nasusunog na sa sariling apoy at mantika?

 

Verse 2:

Wala na bang ibang paraan?

Lahat ng naka-upo pare-pareho lang naman

Kahit anong gawin pag-linis kaluluwa'y halang

Wala na bang sagot sa ating pinag-dadaanan?

Tuloy parin ang laban, tuloy ang pagpiglas

Kahit sa bawat salita ang buhay pinipilas

Hindi magigiba ang apoy ng rebulusyon

Kaya Duterte, pag isipan mo ang sitwasyon

At sa mumunting tupa, kayo ba'y mag papa-puta?

Mag papaka-tanga sa pag-sunod sa dinu-dura nila?

Buksan nyo ang mata, tignan nyo isa-isa

Iba-ibang antas pero pare-parehong tao lamang

Ang tanong, sino dapat managot?

Sa libo-libong buhay, sino dapat managot?

Sa kalyeng madugo, sino dapat managot?

Sa buhay na nasayang, sino dapat managot?

Lolokohin ko nalang ang sarili

Na may pag-asa pang mabawi

Ang mga salitang nabitawan na natin

Lolokohin ko nalang ang sarili



OTHER LYRICS

Romeo & Juliet

Romeo & Juliet
ClassicLove
2019 Single

Baon (feat. Gab Chee Kee)

Talumpati
Gloc-9
2011 Album

Ikaw Nga

Critical Condition
Stick Figgas
2006 Album

Pasaway Mode (feat. Nazty Kidd)

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

Di Marunong (feat. KXLE)

POOT AT PAG-IBIG
Gloc-9
2021 Album

FEATURED ARTICLES