Album

Nalulunod Sa Dugo (feat. Dosage)


The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
Producer: Serena DC
2017

Calix:

Naririnig mo ba ang sirena ng mga buhayang huhulihin ka?

Itago mo ang palara! Maghanda! Tumakbo!

Nandyan na, pulang pula ang mata

Utak mo'y kinain ng tala

Sila'y kumakatok, nag aalok ng matiwasay

Na buhay basta makapasok sa tahanan mo

Huli ka sa akto! Baril nila'y kasado!

Sabog na ang sentido!

Sino ba yung batang nabaril?

Sayang lang buhay na kinitil

Tama bang sa kapwa, shoot to kill?

Maling tao yung patay, karatula'y ipapaskil

Adik, wag tutularan!

Matik, kapalarang tuluyang ginahasa ng gago pamahalaan

Pangalan lang iba, pare-pareho lang yan

Walang paki-alam sa kahirapan ng mamamayan

Atin daw to pre, pero hindi ka doon kasama

Ganid parin pre, pagka't sila lang ang malaya

Putang ina mong tupa nag tatanga-tangahan pa

Bangkay na may karatula imahe ng ating bansa

Pagbabagong tinuturing mo, nalulunod sa dugo

Pagbabagong tinuturing mo, nalulunod sa dugo

 

Dosage:

Nasaan na ang mga tupa? Di mo makita sa bintana

Patay na bombilya sa kalsada

Pagkatapos tumira, sabog planeta, biyaheng kabila

Habang tumatakbo ka, tumatakbo din sila

Walang kapareha, walang pinag iba

Palyadong hustisya, umiiyak ka

Sila tumatawa, kumakain ng konsensya

Wala ng pasensya, legal na lisensya

Bala ko'y disgrasya, putang ina!! Patawad sa pamilya!

Tira daghan para daghan og kwarta

Unsay may labot nila kung patyon kag bala sa kalsada

Sugo ra ning ama kay adik ka sa droga!

Lutaw higala kay di naka maabtan sa ugma

Ito'y bihag lang, nakasulat sa kontrata

Kaya mahirap lang, ang pwede sa bartolina

Wag ka nang magsikap, salot ka bai

Cancel mo pangarap, try mo magpakamatay

Kasi binenta ka na, wala kanang presyo

Ikaw lahat may sala, lutas na sila sa kaso

Wala kang pera, may pera sila

Daga ka lang, nagwawalang pusa sila

"Ubusin!"



OTHER LYRICS

Scott Hall

Expansion Pack
Shadow Moses
2016 Album

Intro

Ating Panahon
727 Clique
2018 Album

Kastigo (feat. DJ Antsdru)

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

S.Trip

S.Trip
Delinquent Society
2019 Single

Permanente

Mga Kahon Mula Bodega
Railkid & Six the Northstar
2021 Album

FEATURED ARTICLES