Album

Xerxes (feat. Fossils and Ninais)


The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
Producer: Serena DC
2017

Verse 1 (Calix):

Gumising ng maaga

Nilagayan mo na ng sobrang

Oras ang pagbyahe para di na mahuli

Hindi na maipit sa mga nag mamadali

Pagdating ng opisina hinihingal parin

Tatlong oras nilaan mo lang sa daan

Para bang may pasan na krus

At pakiramdam mo ay tatamaan

Ng sakit

Kayod ka ng kayod para ba saan?

Nauubos lang naman sa mga bisyo

At luhong di ka sasamahan

Ni minsan ba naisip mong mag dahan dahan?

O pag isipan? Ano ba talaga ang patutunguhan

Ng lahat ng to para bang isang malaking pag tatanghal

At ako ang payaso sa gitna ng entablado

Pinapanood ng mundo

Ang buhay kong bumubulusok pa impyerno

Unti-unting natutunaw ang kaluluwa

Walang sasalba, walang sasalba

Sabi nila madaling mag bago pero parang hindi

Nakikita ko parin

Ang sarili kong naka piring

Sa realidad napapailing

Ano ba ang sagot sa aking hinaing?

Gusto ko lang naman tumakas

 

Chorus (Ninais):

Nalulunod sa gawain, nauuhaw sa hangarin

Ang ginhawa at saya, kailan ba mapapasakin

Namumuhay pa ba para sa sariling pangarap?

Kabuhayan nalang ba na tuparin ang sa iba?

Padadala na lamang ba sa agos ng nakasanayan?

Babangon, di aahon sapat na bang magsikap lamang?

 

Verse 2 (Fossils):

Kumakayod sa wala nakagapos di makawala

Parang presong may parusang kamatayan

Nagbibilang ng oras, nag hgihintay ng bukas

Tinitiis, walang katuturang laban

Kung sino-sinong sinasagasaan

Nag-papabango ng pangalan

Para sa perang di mo naman madadala sa

Iyong hantungan

Nag-hihilahan, humahalik sa paa ng dayuhan

Hinahayaan ang kasinungalingan

Nag bubulagan sa katotohanan

Pina-paikot ang sarili, nag-lolokohan

Lahat ba ito may patutunguhan?

May patutunguhan, may patutunguhan

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Tibay

Tibay
Quest
2016 Single

Rap Shit!

Good Problems
WAIIAN
2020 Album

Slick N Sly (feat. Slick N Sly Kane)

Ako Si…
Gloc-9
2005 Album

All Hallow's Eve (feat. Di$mal)

Act 1
Ez Mil
2020 Album

MKPGSBYN

MKPGSBYN
P-Town Pirates x Migo Senires
2016 Single

FEATURED ARTICLES