Album

Ramdam (feat. 霏)


The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
Producer: Serena DC
2017

Chorus ():

Ramdam ko ang iyong pasan

Kung pwede lang ipasa yan

Dadalhin ko ang iyong kargada

Alam mong di ka nag iisa

Nandito lang ako para sayo (2x)

Hindi ka nag iisa (5x)

 

Verse 1 (Calix):

Alam kong di madaling sabihin

Mga iniisip mo, alanganin

Kung bigla mong babanggitin

Na para bang hindi mo kayang patayin

Ang sarili sa bigat ng pasanin

Kung pwede lang aminin, na

Kinakain ka ng demonyo sa utak mo

Tinatraydor ng sariling puso

Kahit na sabihin mong okay ka lang

Alam ko na hindi sa pag titig palang

Sa kawalan

Dati rati ay hindi ka ganyan

Dati rati ikaw pa tumulak sakin para lumbas sa mundo

At matuto ng aral

Pero bakit parang ang mundo

Ang siyang pang bumiktima sayo

Pero bakit nawala sayo

Ang positibong pagiisip sa mga mata mo

Kung gusto mo tumakas sa lahat

Sabihin mo lang, at ako ay handa

Pangako ko, na nandito ako

Pwedeng kapitan mo pag hindi na kaya

Tulungan kitang harapin ang lahat walang alinlangan

Tulungan kitang harapin ang lahat kaya kumapit ka lang

 

Repeat chorus

 

:

At hindi ka pwedeng matakot sa mga nananakot sayo

Kung di ka pwede sumabay, basta't mag hintay

May para sayo

Hindi mo pwede maliitin ang higanteng nais ng isang tao

Hawak mo ang kamay ko di ka na mawawalan ng gana

Sa pagiging totoo

Nakakapagod man isipin

Ngunit kailangan harapin

Nakakapagod man isipin

Ngunit kailangan harapin

 

Verse 2 (Calix):

Kung kailangan mo ilabas, brad okay lang

Isigaw kung kailangan

Isuka, kung na pupuno ka na

Iduwal mo lang lahat

Ilabas mo sa sistema

Di ka sinisisi ng mundo

Pagkat aminado to

Na puno ng paghihirap

Sa bawat araw na nabuhay tayo

Hinambalos ng ng kahirapan

Minamaliit ng mga nauna problema daw natin kalokohan

Wala akong paki-alam kung anong iniisip nila

Sumatutal sila rin naman ang isa sating mga problema

Pero di na importante ang mga pa-ignorante

Kahit sino mang higante, walang silbi kung nasa-istante

 

:

Nandito lang ako para sayo (4x)



OTHER LYRICS

S2pid Love (feat. Nasty Mac)

Ayoko Ng Ganitong Life
Salbakuta
2001 Album

Apoy (feat. OWFUCK)

Apoy
Zjay
2018 Single

Ligaw

Tukalo Mixtape
OSD.
2020 Album

ACAB

Sun Of A Gun
Bambu
2013 Album

Paalam (feat. Skusta Clee)

Paalam
Future Thug
2018 Single

FEATURED ARTICLES